Kolehiyo ng Komersiyo
→Anne Janel Bernabe
→Patricia Ranya Gonzaga
→Patricia Dyan Reyes
→Krissa Joyce Santiago
→Lollie Erina Vizmonte
Para sa mas pinabilis na pagba-browse mangyari po na pindutin na lamang ang parte na gusto ninyong makita.
Introduksyon
Paglalahad ng Suliranin
Rebyu ng Pag-aaral
Layunin
Kahalagahan
Metodolohiya
Saklaw at Delimitasyon
Daloy ng Pag aaral
Katawan
I. Kasaysayan
A. Kasayasayan ng Komersiyo
B. Ang Makabagong Komersiyo
C. Sistema ng Social Networking Sites
II. Pagsusuri
A. Kahinaan at Kalakasan
B. Paglalahad ng Datos
1. Datos mula sa mga negosyante
2. Surbey mula sa mga bumibili
3. Iba pang suportang datos
III. Pag wawakas
A. Konklusyon
B. Rekomendasyon
C. Sanggunian
Pasasalamat
INTRODUKSYON
Ang teknolohiya ay kadalasang iniuugnay sa mga bagong imbentong mga kagamitan at gadget na ginagamit na kamakailan lang na natuklasan. Tinutukoy din ang teknolohiya bilang isang talino na maaaring magamit upang mapadali ang gawain ng mga tao. Maraming uri ang teknolohiya, mayroong mga kasangkapan, makina, kagamitan, proseso na maaaring makatulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao at marami pang iba (www.wikipedia.com). Ayon kay Florangel Rosario-Braid na sumulat ng aklat na Communication Strategies for Productivity Improvement, “Technology has been defined as the systematic application of the science of organized knowledge to practical concrete tasks… Technology is the scientific, engineering and managerial knowledge that makes possible the conception, design, development, production and distribution of goods and services. Technology within these definitions including both software (philosophy or technical skills) and hardware (materials). Isa ang mga social networking sites sa usong uso teknolohiya ngayon. Ang mga social networking accounts na kilalang kilala ngayon ay Facebook, MySpace, Twitter, Multiply at marami pang iba. Marami ang magagawa sa mga social networking sites tulad ng makipagkomunikasyon, makipagkaibigan, gumamit ng iba’t ibang mga application, maglaro at makapagsimula ng negosyo. Maaaring kumita ng pera sa paggamit lang ng social networking.
Sa pagtakbo ng panahon, unti-unti nang lumalago ang industriya lalo na sa industriya ng bentahan. Sa patuloy na paglago nito, kailangan ay makasabay ang mga tao sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Base sa obserbasyon ng mga mananaliksik, sa panahon ngayon ay hindi lang mga bagong kagamitan ang patok na ibenta kung hindi pati ang mga luma o slightly used na mga kagamitan ay nauuso na ring ibenta. Maraming lugar na ang itinatayong negosyo ay ang pagbebenta ng mga lumang personal na kagamitan kaya pumapatok ngayon ang tinatawag na “Garage Sale” o ang pagbebenta ng sariling kagamitan sa kanilang bakuran. Pumapatok ang mga “Garage Sale” dahil dito ibinibenta ang mga lumang kagamitan sa murang halaga. Madali itong nabibili dahil nga ang mga Pilipino ay mas praktikal na sa panahon ngayon. Maaaring maging kilala ang “Garage Sale” sa tulong ng teknolohiya partikular na ang paggamit ng social networking.
Maraming kagamitan sa “online communication” at pagbebenta. Isa sa anim na kagamitan ang “search engines” na kung saan sinasailalim ang “web address” na medaling hanapin at makakapagpaakit o magbibigay ng pangangailangan ng bumibili o bumibisitang mga mamimili. Sumasailalim ditto ang “natural search” na may layuning makapagbukas ng site na lilitaw kapag particular na business word ang ginamit at “sponsored search” na kinakailangn ng bayad ang search engine na mahusay na “search engine” ang gumagamit ng “lines popularity” na nakaayos sa hindi masyadong mahalaga. Ang ikalawang kagamitan ay ang “co-branding” na kilala rin bilang “joint promotions” ng dalawa o hihigit pang kumpanya na nagdala ng serbisyo o produkto sa mga online o offline na mga mamimili. Isa pa sa mga kagamitan ang “affiliate programmere” at isang halimbawa nito ang “amazon. com” na kung saan mayroon itong iba’t ibang koneksyon o links na may iba ibang banner advertisement. Isang communication strategy ang “viral marketing” na gumagamit ng mga slogans, ideya, magaganda at nakakaliit ng mga parirala, at iba pa. Karaniwang gamit nito ang e-mail upang mabilis makapagpasa ng mga “promotional messages” sa mga tinitirang mamimili. Karaniwang binibigyang pansin ang mga “connectors” at “public opinion leaders.” Isa sa pinaka epektibong kagamitan ang “advertisements on websites” na maaaring ikumpara sa isang billboard kahit hindi na magclick ang indibidwal, may lilitaw nang mga ganitong “patalastas.” Maraming tao ang gumagawa ng sariling “e-mail account” na may relasyon sa mga “e-mail marketing communications” ang paglabas ng mga mensahe sa mamimili ay nasa isang “electronic form” ng direktang pagbebenta. Pati na rin ang pag-aayos ng mga pinapadalang request para sa impormasyon ng mamimili.
Paglalahad ng suliranin
Ang mga mananaliksik ay nais masagot ang sumusunod:
1. Paano nakakaapekto ang social networking sa mga tao?
2. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng social networking sa industriya ng bentahan?
3. Maganda o mabuti nga ba ang maitutulong ng social networking sa pagbebenta?
4. Magiging mabenta nga ba ang “Garage Sale” sa tulong ng isang makabagong paraan ng pagbebenta?
5. Ano pa ang ibang gamit ng social networking sa marketing world?
Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil bilang mga mag-aaral sa Komersiyo, sila ay papasok din sa iba’t ibang klase ng negosyo sa hinaharap kung kaya’t isa itong hakbang sa isang matagumpay na Marketing Strategy sa kanilang magiging negosyo.
Rebyu ng Pag aaral
e-Business Intelligence
nina: Bernard Liautaud at Mark Hammond
Sinasabi sa librong e-Business Intelligence na isinulat nina Bernard Liautaud at Mark Hammond na inilimbag
noong taong 2001 ng Mc-Graw-Hill Companies sa United States of America na ang pagsisimula ng negosyo sa isang makabagong paraan tulad ng internet ay hindi ganoon kadali, kailangan ng sapat na kaalaman at karunungan ukol dito.
Maraming dapat isaalang-alang sa pagsisimula ng isang negosyo gamit ang internet tulad ng mga impormasyon sa tamang paggamit at kung paano ito patatakbuhin.Mahabang proseso din ang kailangan bago ito maumpisahan. Importante din ang takbo ng ekonomiya ng bentahan sa internet dahil maaaring malugi ang negosyong sisimulan.
Sinasabi rin nina Bernard Liautaud at Mark Hammond ang iba pang mga impormasyong dapat malaman sa pagtatayo ng negosyo gamit ang makabagong teknolohiya.
Innovation and Entrepreneurship
nina: John Bessant at Joe Tidd
Ayon kina John Bessant at Joe Tidd, ang negosyo sa bagong henerasyon ay mas mainam kung ginagamitan ng teknolohiya. Ang paggamit ng teknolohiya gaya ng internet ay nakakatulong upang mas umangat ang negosyo sa ibang mga kakompetensya nito. Sinasabi rin sa librong Innovation and entrepreneurship na kailangang gumamit ng makabagong pmamaraan sa negosyo sa panahon ngayon, isa na nga ditto ang paggamit ng internet. Nagbigay din ang libro ng iba’t ibang paraan para sa mga negosyante, upang mapatakbo ng maayos ang negosyo. Isa sa mga paraan ay ang sapat na kaalaman sa paggamit ng internet,dapat pag-aralan din ng mabuti ang takbo ng negosyo sa internet bago ito pasukin. Sa panahon ngayon ang teknolohiya ay isang paraan at daan na ginagamit na rin para sa pag unlad ng isang negosyo.
Layunin
Tiyak na Layunin
Layunin ng pananakisik na ito ay ang mabigyan ng panibagong paraan ang mga negosyante na mapadali ang kanilang trabaho na pagbebenta ng mga lumang kagamitan. Layunin din nito na bigyan pa ng karagdagang kaalaman ang mga tao/negosyante na interasado sa ganitong uri ng negosyo.
Pangkalahatang Layunin
Mithiin din nito na mapakita ang tunay na kahalagahan ng teknolohiya, kung gaano kalaki ang naitutulong ng teknolohiya sa ngayon. Isa pa sa pinaka mahalagang layunin ng pananaliksik na ito ay ang buksan ang isipan ng mga tao sa magandang naidudulot ng social networking, na ito ay hindi lamang ginagamit pang aliw at hindi lamang ginagamit upang makalakap ng kaibigan kung hindi upang makalakap din ng salapi.
Kahalagahan
Unang una, mahalaga ang pananaliksik na ito dahil nakatutulong ito, hindi lamang doon sa mga negosyante kung hindi doon rin sa mga tao na nag hahanap ng pagkakakitaan sa madaling paraan. Mahalaga din ito dahil nag bibigay ideya ito tungkol sa negosyo sa iba’t ibang uri ng tao lalong lalo na sa mga negosyante. Binibigyan ideya din ng pananaliksik na ito ang mga taong walang sapat na kapital para mag tayo ng sariling tindahan o yung mga tao na walang sapat na oras para bantayan ang nasabing tindahan. Magbibigay din ito ng ideya dun sa mga taong may trabaho ngunit nangangailangan pa rin ng “extra income”, makatutulong ang ganitong negosyo dahil mapapataas nito ang kanilang kinikita ngunit hindi naman ganoong nauubos ang kanilang oras. At ang pang huli, mahalaga ito dahil nagbibigay ideya ito dun sa mga tao/negosyante na pakinabangan ang kanilang mga lumang kagamitan sa paraang mas madaling mapansin ng madla.
Metodolohiya
Gumamit ang mga mananaliksik ng iba’t ibang libro na may
kinalaman sa “social networking” na maaaring makatulong upang mapatunayan nila ang kanilang ginagawang pagaaral. Kumuha din ng mga impormasyong galling sa online reference upang makadagdag at makatulog sa pagsuporta sa pananaliksik na ito. Gumamit din ang mga mananaliksik ng “survey questionnaires.” Ito ay pinasagutan ng mga mananaliksik sa 50 tao na may kakayahang bumili ng sari – saring kagamitan. Ilan sa mga ito ay mga kakilala, kaklase at kaibigan upang malaman ang opinion ng karamihan ukol sa pananaliksik na ginawa ng mga tagapagsaliksik. Mayroon din naming mga taong tinanong na may kinalaman sa pagbebenta ng mga lumang kagamitan tulad nina Ellalyne Gonzales at jessa camille e. cabauatan , upang makakuha ng inpormasyon tungkol sa estado ng kanilang hanap buhay gamit ang “social networking sites” sa pagbebenta ng lumang personal na kagamitan.
Saklaw at Delimitasyon
Unang-una sa lahat, gagamitin sa pag-aaral ang mga “websites” sa internet na kung saan meron o posibleng magkaroon ng kalakalan o bentahan ng mga lumang(second-hand)na kagamitan. Halimbawa ng mga sites na ito ang Multiply, Facebook, at iba pa. Ang mga nabanggit na website ay makakapagbigay ng malaking tulong sa pananaliksik ng grupo. Ang mga sites ay tinitiyak na makakatugon sa mga pamantayan na isasagawa ng pananaliksik. Hangga’t maaari, mas pagtutuuan ng pansin ng pag-aaral ang mga websites na prayoridad talaga ay pagbebenta ng mga lumang kagamitan. Kahit na sa wikang Filipino o Ingles, nakasalin ang wika ng mga websites na ito ay walang kaso sa pananaliksik. Kakailanganin din dito ang ilang mga libro na may kinalaman sa social networking, paano maging presentable ulit ang mga lumang kagamitan, estadistika at lagay ng industriya sa internet, at iba pa. Sa pamamagitan ng mga ito, mapapagdugtong-dugtong ng pag-aaral na ito ang mga impormasyon at datos na nakalap nito, at makabuo ng mga paliwanag.
Daloy ng Pag aaral
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng social networking at ang pagkilala nito bilang midyum ng pakikipagkalakalan. Pinag-aaralan din ang sistema ng social networking sa pagbebenta at kung anong mga kagamitan ang maaaring ibenta rito.Kilala ang social networking bilang pangunahing gamit ng negosyanteng mahilig magbenta ng kung anu-ano tulad ng mga lumang kagamitan.
Sa ikalawang kabanata nakasailalim ang pagsusuri na kung saan, tatalakayin ang kalakasan at kahinaan ng pagbebenta sa social networking sites. Maipapakita at maipapaliwanag sa paglalahad ng mga datos ang mga surbey mula sa mamimili at mga impormasyon mula sa iba’t ibang mga negosyante. Ditto mas maipapakita at mapapalinaw ang bawat kabanata sa pananaliksik gayun din ang bawat bilang ng pagsusuring nilagap.
KATAWAN
I. Kasaysayan
A. Komersiyo? Paano ito nagsimula?
Batay sa libro nina Harris at Dennic na may pamagat na “Marketing the e-Business”, ang Komersiyo raw ay ang palitan ng kahit anong bagay na may halaga para sa produkto, serbisyo o iba pa. batay din rito ang komersiyo ay may importanteng mga lahok: ang bumibili, nagbebenta, ang produkto/serbisyo at ang anumang bagay na may halaga – kadalasang salapi.
Binaggit din ng librong ito na mas naging aktibo ang transaksiyon ng komersyo noong panahon ng mga Tsino. Gumamit ang mga Tsino ng sistemang kilala sa tawag na “bartering” o ang palitan ng produkto para sa isa pang produkto.
Batay rin sa libro na ito, noong nagsimulang makilala ang pag gamit ng salapi mas naging posible ang komersiyo at mas napabilis ang mga transaksiyon nito.
Batay naman sa aklat na “Business Today” nina Michael H. Mescon, Courtland L. Boree at John V. Thill, ang komersiyo raw ay ang kahit anong gawin na kung saan ay makakakalap ka ng pera at katumbas nito ay makakapagbahagi ka ng produkto o serbisyo na mapupunan ang mga pangangailangan ng tao. Batay din sa aklat na ito, ang komersyo raw ang nagbibigay sa lipunan ng araw araw na pangangailangan katulad ng bahayan, kasuotan, pagkain, transportasyon at komunikasyon, Binibigyan din ng komersyo ng trabaho ang madaming tao. Nakakatulong din ang komersyo sa pagtatayo ng mga imprastraktura dahil sa kanila kumukuha ng buwis ang gobyerno.
B. Ang Makabagong Komersiyo
Bago pa man dumating ang internet batay din sa libro nina Harris at Dennic ay nagkaroon na ng mga ilang “electronic business transactions”. Batay din sa libro inumpisahan ang “electronic business transactions” noong ipakilala ang “telegraph system” noong ika-19 na siglo. Maraming tao noong nakalipas ang ilang dekada ang nakaranas ng pag gamit ng tinatawag na “wire transfer” o ayon kina Harris at Dennic ay ang palitan ng pondo ng isang bangko at ng isa pang sangay nito. Marami din ang nakaranas ng pag gamit sa tinatawag na “ticker tape”, ngunit hindi man raw ito ganoon kapopyular, nakatulong pa rin ito sa pag tatala ng pag taas at pag babang stock market ng isang kumpanya.
Batay rin sa librong ito, ang pag papakilala ng internet sa buong mundo ang mas nag palapit sa kumpanya/negosyante doon sa mga tinatawag na “expected buyers”. At binigyang diin rin ng librong ito na ang INTERNET na ang kinikilalang THIRD WORLD pag dating sa komersiyo.
C. Sistema ng Social Networking Sites
Sa pagpaplano, mas mainam na malaman ng isang negosyante ang makapagbibigay ng mga pangangailangan ng mamimili at makakaabot ng “goal” nito. Isang magandang paraan ang paggamit ng social networking sites. Ang isang mahusay na social networking site ay yung alam ang mga tinatarget na mamimili at makapaglalaan ng mahahalaga at interesadong mga impormasyon. Isang mahusay na personalidad bilang negosyante ang pagiging totoo sapagkat nakakapagbigay ito ng tiwala sa maraming tao. Makakatulong manghikayat ng mga mamimili ang maraming “links” sa social networking sites. Ang mga “links” na ito ang makakapagbigay ng impormasyon o “updates” ukol sa negosyante at sa mga nilalaman ng social networking sites ng mga negosyante. Kung madaling makontak at palaging online ang negosyante, maaaring magkaroon ng mas mabilis at malawakang transaksyon (online discussions). Masyado nang laos ang pagkakaroon ng paulit-ulit na produkto. Isang mahusay na social networking sites ang mga makabagong produkto.
Bawat transaksyon ay may ugnayan,ang isang mahusay na negosyante ay ang mahusay sa komunikasyon. Maraming paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga online namimili. Una ang interaksyon,sa pamamagitan ng “online advertisement”, mas madali ang nagagawa nito kaysa sa mga makalumang pamamaraan ng pagbebenta. Nakakatulong ito upang magkaroon ng mas aksesibong paraan ng pagbibigay komento o mga tanong sa “online selling/ advertisement”. Isa pang paraan ay ang paggamit ng “permission-based-e-mail” na mas nakakapagpataas sa pursyento sa larangan ng “online marketing”. Nagkakaroon ng tiwala at pagmulat sa mga indibidwal na may hilig sa negosyo at nabigyan ng permiso para makakuha ng mas malalim na impormasyon na ipapadala sa mga mamimili nito.Mayroong apat na paraan upang makakuha ng permiso. Una ay ang “opt-out mailing list” na nagpwepwersa sa mga tao na tanggalin ang mga sarili sa future mailings. Maaaring madagdag ng “automatic mailing list” ang indibidwal na nakaregister at kung ang website ay hindi napansin ang paalala na nagsasabi na dapat itong markahan ng tsek kung ayaw makatanggap ng “future communications.” Isa itong ilegal na gawain sa kanila dahil sa “data protection account.” Isa pang epektibong paraan ang “opt-in lists” na nagsasabing tinatanggap ng indibidwal ang mga “future communications.” Walang masyadong sumasali rito sapagkat walang e-mail address ownership ang isinagawa. Ito ay aprobado ng Data Protection Communications. Ang “Double opt-in” naman na nangangahulugan ng “yes please” ay ang paraan na kung saan dalawang beses nagsasabi ng “yes please” ang mamimili bago sila magdagdag ng “mailing list”. Ang pinakahuling paraan ay ang isa pang uri ng “Double-opt-in” na nagsasabing ang pagbibigay ng sobrang “promotional messages” sa mga mamimili kahit wala na itong permiso sa mamimili.
II. Pag susuri
A. Ang Kahinaan at Kalakasan
Hindi maipagkakaila na sa pagdating ng panahon, lalong umuunlad, napapaganda at napapabilis ang pagtuklas at paggawa ng mga makabagong teknolohiya sa ating mundo. Sa pag-unlad ng teknolohiya, isa rito ang pagsikat ng mga social networking sites na patok na patok sa panlasa ng mga Pilipinong mahilig mag-internet. Ngunit marami ang mabubuti at masasamang epekto ng mga social networking sites na ito sa mga tao. Sa mga negosyante, isang malaking tulong ang mga social networking sites upang makilala ang kanilang mga negosyo dahil ayon kay David Scott na sumulat ng aklat na Online Marketing Communications, “Online advertising has a huge advantage over traditional methods in terms of encouraging consumers to progress through the AIDA stages and that is interaction”. Batay din sa aklat na ito, madaling naiingganyo ang mga mamimili dahil sa isang click lang ng kanilang computer mouse ay nakikita na nila ang impormasyon tungkol sa mga produktong ipinagbibili.
Isang malaking tulong ang social networking bilang Marketing Strategy ng ilang negosyo. Ngunit sa kabilang banda, hindi maiiwasang may kahinaan din ang social networking. Ilan sa kahinaan nito ay hindi diretsahang nakikita ng mamimili ang produktong kanyang bibilhin lalo na kung luma, slightly used o 2nd hand na gamit ang ipinagbibili. Ayon sa aklat na Online Marketing Communications, “Other problems that are developing with e-mail as a means of customer communication are the sheer volume of messages that many people receive on a daily basis”. Marami rin ang mga nanloloko gamit ang internet kung kaya’t hindi nakasisiguro sa mga nakakausap gamit ang mga social networking sites.
B. Paglalahad ng Datos
1. Mga Datos mula sa Nagbebenta (seller)
Isa si Ellalyne Gonzales, 24 na taong gulang, isang customer service representative sa Kitchen Beauty Marketing Corporation at isang graduate ng Santa Isabel College noong taong 2006, sa gumagamit ng social networking sites sa pagbebenta ng lumang personal na kagamitan. Ayon sa kanya madali nabebenta ang mga lumang kagamitan gamit ang social networking sites, ayon sa kanya dumedepende raw ito sa kung gaano karami ang binebenta ng isang seller at sa kung gaano kagusto ng “maket” ang mga items. Ayon din sa kanya mabilis daw ang daloy ng negosyo pag gamit ang mga social networking sites na multiply site at facebook, marahil ay mas madaming tao ang gumagamit ng ganitong klaseng site.
Isa pa si Jessa Camille e. Cabauatan na isa ring estudyante dito sa University of Santo Tomas. Siya ay nasa ikaapat na baitang na sa kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management at isa rin sa mga gumagamit ng social networking site sa pagbebenta ng ilan niyang personal na kagamitan.
Kagaya ni Ellayne ayon sa kanya, mabilis din raw nabebenta ang mga lumang kagamitan gamit ang social networking sites, nakakabentan raw siya ng 3-5 na lumang kagamitan sa isang araw. Kagaya rin ni Ellayne pinili nya rin ang facebook at multiply site bilang ilan sa mga madalas niyang gamitin na social networking sites sa pagbebenta ng lumang kagamitan.
Ayon din sa kanya hindi nasusuportahan ng ganitong klaseng negosyo ang pangangailangan ng kanilang pamilya, iyon lamang personal na pangangailangan at kagustuhan lamang ang kaya nitong masustentuhan. At ayon din sa kanya hindi raw mahirap ang ganitong klaseng negosyo dahil unang una hindi nito nauubos ang oras ng nagbebenta, ikalawa ikaw ang nag gagawa ng sariling mong batas, ikatlo ang makabagong teknolohiya (gcash,money transfers,couriers - air21,lbc,jrs,xend) ay nakakatulong upang mas mapalapit ka sa mga mamimili (shopper), ikaapat ay nakakapili ka ng gusto mong ibentang uri at tatak. Ikalima, simple, ikaw ang nag papalakad, ikaw ang boss at higit sa lahat hindi na kinakailangan ng lisensya at walang patong na buwis.
At higit niya rin itong inirerekomenda sa iba pang gustong mag kanegosyo at sa gustong pag kakitaan ang mga personal nilang kagamitan na hindi na nagagamit, una dahil ayon kay Jessa ay mas “flexible” raw ito kung ikukumpara sa ibang klase ng negosyo, ikalawa tamang tama din raw ito sa mga estudyanteng gustong mag karoon ng karagdagang pera, ikatlo hindi gaano nakakapagod kung ikukumpara sa pagtatayo ng isang negosyo na babantayan mo ng 8 oras o higit pa, ikalima ang makabagong teknolohiya ang susuporta sa nagbebenta at higit sa lahat ayon kay Jessa nirerekomenda nya ito dahil “It demands only your passion and not your entire life”.
2. Surbey mula sa mga mamimili (shopper)
Pagkatapos ng pagbibigay ng mga survey questionnaires ay nakuha na ng mga mananaliksik ang resulta ng mga kasagutan sa kanilang nais malaman at makuhang impormasyon. Ang mga katanungan sa kanilang survey ay sumasagot lamang ng oo o hindi at ang iba naman ay pipili lamang ng kanilang sagot sa mga ibigay na mga pagpipilian.
Unang tanong: Kinokonsidera mo ba ang mga social networking sites na isang paraan upang makapg shopping?
Analisa: Sumangayon ang mga tao sa ika unang tanong. 60% ng mga taong tinanong ang sumagot ng oo. Ibig sabihin ay marami ang may posibilidad na gumagamit ng social networking sites para sila ay makapamili. Samantalang 40% lamang ang hindi sumangayon na ang social networking ay ginagamit nila upang sila ay makapamili. Ipinakikita dito na karamihan sa mga tao ang maaring tumatangkilik sa mga social networking sites upang sila ay makapamili.
ikalawang tanong: Bumibili ka ba ng mga slightly used/secong hand na mga kagamitan?
Analisa:Sumangayon ang mga tao sa ikalawang tanong. 56% ng mga taong tinanong ang sumagot ng oo. Ibig sabihin ay marami ang mga taong may gusto o ayos lang bumili ng mga gamit nang mga kagamitan. Samantalang 44% lamang ang ayaw bumili ng mga kagamitan na nagamit na. Ipinakikita dito na karamihan sa mga tao ay gusto paring bumili sa murang halaga ng mga 2nd hand na kagamitan.
ikatlong tanong:Tinatangkilik mo ba ang mga garage sale?
Analisa:Hindi sumangayon ang mga tao sa ika tatlong tanong. 60% ng mga taong tinanong ang sumagot ng hindi. Ibig sabihin ay marami ang hindi tumatangkilik o ang mahilig mamili sa mga garage sale. Samantalang 40% lamang ang tumatangkilik sa mga garage sale. Ipinakikita dito na kakaunting porsyento lamang ng mga tao ang mahilig sa mga garage sale.
ikaapat tanong:Ano sa mga sumusunod ang pinaka gusto mong social networking site (facebook,multiply,friendster,plurk,twitter,Myspace)? Pumili ng Isa.
Analisa:marami silang gustong networking sites. 80% ay sumagot ng Facebook, ibig sabihin ay Facebook ang pinakagusto nilang bisitahin at ito ang pinaka popular na site nagyon. Sumunod ay ang Friendster na may 16%, ang Multiply at Myspace ay pantay na mayroong 2% lamang. Samantalang ang Plurk at Twitter ay hindi masyadong nagagamit ng mga tao. Ipinapakita dito na ang Facebook ang pinakanagagamit ngayon sa internet
ikalimang tanong: Ano ang hilig mong bilihin sa mga sumusunod: bag, damit, sapatos,accesories, gamit sa bahay, libro/gamit sa eskwela, gamit sa sasakyan, laruan, regalo? Pumili ng dalawa.
Analisa: Ito ang mga hilig bilhin ng mga tao, mayroong 35% na nagsasabing damit ang hilig nilang bilhin. Sumunod ay ang sapatos na may 21%, bag na may 19% , regalo 10%, ang accessories at libro ay may parehong 6%, at ang pinaka-konti ay ang mga gamit sa bahay na may 3% lamang. Ipinapakita dito na marami ang mahilig bumili ng damit, sapatos at bag.
2. Iba pang Suportang Datos
Isang liham para sa mga negosyante ang nilikha ni Catherine Fake na Co-Founder ng Flickr na matatagpuan sa www.socialbusinessweb.com na nagsasaad ukol sa social networking. Sinasabi na ang social networking sites ay naging popular dahil sa mga kompanya tulad ng Facebook.com at MySpace.com. ang mga ito ay maaring makatulong sa pagpapalago at pagpaparami ng bilang ng mga customers para sa iba’t ibang produkto at serbisyo. Ang social networking site ay naibenta noong taong 2005 sa Yahoo! Sa halagang 35 million dollars isa lang ito sa mga oportunidad upang kumita.
Ayon sa artikulo ni Martin Aranovitch (director sa internet Awards.com) na pinamagatang “A Social Networking or Community Website Can Add A Whole New..., Social Networking Sites Help Business..., Online Communities Help To Connect...” mas mapapalago at mapapahusay ang negosyo kapag marunong sumali/gumawa ng isang social networking sites ang negosyante mas magiging epektibo rin sa pakikipagkomunikasyon sa mga taong mamimili. Ibang iba ang social networking site sapagkat kinakailangan lang rito lumikha ng iba’t ibang mga exciting “space” (hal. Interaktibo at Daynamikong site) na kung saan maaaring magkaroon ng pagpapalitan ng ideya, komentaryo, tanungan, at marami pang iba. Hindi ito tulad ng mga static websites na kinakailangan pang magpahayag ng mga datos araw-araw upang mapanatiling bago/sariwa at mahalaga ang buong site para sa mga negoyante, tao, at sa mga search engines.
II. Pag wawakas
A. Konklusyon
Batay sa mga impormasyon na nakalap, napatunayan ng pananaliksik na ito na napapdali ng paggamit ng social networking sites ang pagbebenta ng mga pinaglumaang personal na kagamitan na maaari pang pakinabangan. Sa panahon ngayon, uso ang paggamit ng mga social networking sites dahil madami itong nagagawa at naitutulong sa tao. Sinamantala ng mga negosyante ang pagkakataon para kumita kaya’t heto ngayon, madami ang nagkalat na mga online shops sa Internet. Nakita ng pananaliksik na ito kung paano tinatangkilik ng mga tao ang ganitong klaseng pakikipagkalakaran.
Napatunayan rin nito na mas napapadali ng ganitong klaseng istilo ng pagnenegosyo sa halip na ikalat mo ang mga personal mong kagamitan sa iyong garahe para ibenta ay kuhanan mo na lamang ito ng retrato, i-pose sa social networking sites at lagyan ng kaunting pag papakilala. Marami-rami na ang gumagamit nito para maging hanap-buhay o pang-extra lang sa pangkaraniwang kita at para mapakinabngan ang mga lumang personal na kagamitan na hindi na nagagamit. Kahit na hindi naman kalakihan ang kikitain dito, malaking pandagdag na rin ito sa kani-kanilang pamilya. Kahit na nasa iyong tahanan ka lang, malayo ang mararating ng iyong negosyo sapagkat ito ay global. Ibig sabihin, ang mga binebenta mong lumang personal na kagamitan, ay aabot sa kahit saang sulok ng daigdig sa pamamagitan ng Internet.
Nakita rin ng pananaliksik na ito ang kalakasan nito pagdating sa mga mamimili. Kaunting galaw lang ang kailangan para dito. Ang mga mamimili na mismo ang lumalapit para tingnan kung ano ang produkto mo. Mas mabuti kung segunda-mano at mapapakinabangan pa dahil mahirap na rin kitain ang panggastos sa ngayon. Praktikal kasi ang lipunan sa ngayon. Kung saan sila mas makakamura, doon sila susunod.
Ang pananaliksik na ito ay naghahayag na epektibo ang paggamit ng social networking bilang daan sa pakikipagkalakaran.
B. Rekomendasyon
Ang mga mananaliksik ay inirerekomenda na gumamit ng social networking sites sa pagbebenta ng mga segunda mano ngunit mapapakinabangan pang mga personal na gamit, dahil sa ganitong paraan ay mabilis ang pagkita ng pera at walang masyadong hirap sa pagtatayo ng negosyo. Para naman sa mga mamimili, inirerekomenda ng mga mananaliksik na subukang tumingin sa mga social networking sites upang makahanap ng mas mura ngunit kapaki-pakinabang pang mga kagamitan at makahanap ng mga kailangang kagamitan ng mabilis at walang pagod.
C. Sanggunian
Annunzio, S. at Julie Lisse., e-Leadership. 1230 Avenue of Americas, New York: The Free Press, 2001.
Harris, L. at Dennic, C., Marketing the e-Business. United Kingdom: Routledge, 2002.
Liautaud, B. at Mark Hammond., e-Business Intelligence. USA: McGraw-Hill, 2001.
Mescon, Michael H., et. al., Business Today. New York Upper Saddle River, NJ: McGraw Hill, 2001.
Rosario-Braid, Florangel., Communication Strategies for Productivity Improvement. Philippines: APO Production Unit, 1979.
Scott, David Meeman., The New Rules of Marketing and PR. John Wiley and Sons, Inc., 2007.
Titte, Scott, et. al., Building Web Commerce Sites. USA: IDG Books World Wide, Inc., 1997.
www.multiply.com
http://www.socialbusinessweb.com/
Pasasalamat
Kami ay lubos na nag papasalamat sa mga taong naging bahagi n gaming pananaliksik na ito, marahil ay hindi ito magiging ganito ka possible kung hindi dahil sa tulong nila. Una, sa mga respondents ng survey na tapat na sumagot sa mga katanungang na aming inihanda. Sa mga nakuhanan namin ng mga impormasyon na sina Bb. Ellayne Gonzales at Bb. Jessa Camille Cabauatan na nagbigay ng kanilang oras at panahon upang maibahagi nila ang kanilang mga karanasan sa pagkakaroon ng social networking sites sa pangnenegosyo ng lumang personal na kagamitan. Kay G. Martin Aranovitch na siyang sumulat ng artikulo tungkol sa pag gamit ng social networking site bilang isang midyum sa kalakalan. Sa aming guro na nagbahagi ng kanyang kaalaman at patuloy na tumulong sa ikatatagumpay ng pananaliksik. Sa aming mga magulang na walang sawang nagbibigay ng kanilang suporta at pagmamahal. At higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na gumagabay sa araw-araw.
Kung nais ninyo pong gamitin ang mga impormasyon mula sa pananaliksik na ito mangyari po lamang na kumunsulta muna sa kahit sino sa mga sumusunod:
Geraldine Chad Bayot:09163820176
Patricia Dyan Reyes:09062402116